Miyerkules, Hulyo 27, 2011

Dota Life Story of Mae :3

Nakakatuwang isipin at pagnilaynilayin ang mga panahon natuto at namulat ako sa larong DOTA. Ganito yan. :)

Since gradeschool, I used to spare my time surfing the net, and then meet the Ragnarok Online Phenomena early in highschool. From then on, RO revolves around my life like the sun as the source of Earth's Energy. O2Jam, Pangya, Rakion, Battle Realms, Audition, but only RO stood up.

I had a boyfriend way back in highschool who wastes his time making "pustahan" with his friends in this game so called DOTA(Defense of the Ancients) usually at CYBR-MCU(the old one) which unfortunately a few steps away from my Alma Mater Manila Central University. Well I have no choice that time, and all I can do is to wait for him until they finish playing so we can go home already.

After an hour, two? Or three? Finally, they're done. Almost everyday LIKE THAT. :3 So there's this curiosity came to my little mind :)) "Pano laruin yan?".

"Parang Ragnarok lang yan.", sabi nya.

"Ano parang Ragnarok jan? Eh ang layo naman.", hirit ni Mae.

(Leche, bahala na nga)

I remember they won a game that time so they start up this noisy atmosphere. Yelling, screaming, laughing, and chatting the hell about that game which I cannot understand that stupid time. I was like sitting at the corner, looking outside, RAIN

Then my boyfriend came up to me with Kuya Mike, a medicine student, friend and his co-DOTA player and said;
"Bat di mo turuan si Ma-E magDOTA? Para nakikipustahan na rin sa atin. Haha.(may haha pa talaga)

"Haha, sige NEXT TIME. Uwi na kami ee. Razor no para di sya mahirapan.", sabi nya.

"Sino yun?", nagtatakang Mae.

UWIAN NAAAA!!

~
May naaalala akong tip mula sa kanila sa paglalaro ng DOTA para lumakas daw maglaro.
"Nakikita mo yung bilog-bilog na yan? Pampaswerte yan!", sabi nila.

(nakita ko nga ang mga bilog bilog sa 6squares na nakita ko sa lower part ng monitor)

(at napagtanto ko ngayon, na ang tinutukoy pala nila ay ung Point Booster, Vitality Booster, at Perseverance na pang gawa ng Bloodstone. >

at AAAAaahhhh~ na lang ang nasabi ko. Pampaswerte pala un.

~

Anyways, eto na ung NEXT TIME. Game! Start na. At kalaro ko si "Computer(Easy)", kung sino man un.
May tinaype sya.

Pick na daw.

"Click mo na si Razor, click mo letter V.", bf.

"San dito???", mae.

(tinuro nya)

Naclick ko na, "Asan na sya?", ang engot ko nanaman.

Iba daw lumabas. Hindi si Razor. RM daw. RM? Robert Miranda? Tatay ko? =))

(dati pala pag-V ang pinipindot, imbes na Razor ang lumabas. Iba~ Pero ngayon, de-click na sila.)


oh, eto na talaga.

Razor Lightning Revenant (check)
Level: 1 (check)
Skill: Chain Lightning (check)
Item: ??????? (tooooot)

"Ano gagawin ko? Ano bibilhin ko?", kaawa awang Mae.

"Wraith Band, Tango, pangregen ng buhay", bf.

Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi nya. At nagpatuloy na lang sa pagpunta sa MID. At narinig ko ang mga salitang masakit sa tenga na;

"Hold mo lang alt para kita HP."
"Wag mo tangkihin creeps at tore."
"Lasthitin mo!"
"Chain Lightning ka lang ng Chain Lightning."

Ilang beses ako namatay sa walang kwentang laro na yon ng di ko namamalayan. At ako ay sumuko na. Alt + f4.

"Aw! Bat ayaw?"

Hindi pala ganun kadali ang pagqquit sa larong ito. Di pala ito nadadala sa simpleng Alt +F4 lamang.

END GAME!
QUIT MISSION!

Tara uwe!!!


~
When I got home I double clicked the INTERNET EXPLORER.
Default Page: Yahoo.com
Typed in: Free DOTA DOWNLOAD GAME

Nadownload ko na ata ang lahat at wala pa ring nangyayaring mahusay.

And the next day, I asked my classmates for CD installer. My loving classmate Jan Michael aka Bamboo/JM Martirez told me he got one and he'll bring it the next day. After a day, week, month, year, and 5years until now. I've seen no CD at all.
(hoy JM! May atraso ka pa pala sakin aa. Tatag kita dito kala mo ka! HAHAHA misshu)

Anyways, eto nanaman. Talagang I'm losing hope. I lost hope. And there's no hope at all for me. :((

Hanggang sa napatambay ako ng Freezing Point at nakilala ang pinakagwapong unggoy ng Caloocan si Barry Robledo.Madalas syang tawaging BJ ng mga barkada namin kaya sya nasasabihang bakla. =)) (labyou), na di ko pinapansin noon sapagkat ako ay choosy. :)) Nagpapalevel ako nun ng aking archer dahil ako ay libre laro dati roon. DOTA na pala ang laro nila dun, pero hindi yun ang kwento ko.


~
RAGNAROK is MY LIFE. -yan ang motto ko before

Server: Valkyrie

Job: Sexy Alluring Gypsy /e2
Level: 93
Build: Dex 99 Vit 50 Int 10
Achievement: Daming naging boyfriend nyan. Libre lahat equips. :)))

Job: High Priest
Level: Umiilaw~
Build: Dex 97 at di ko na maalala un iba.(97 dex lang yan pero nagnono cast assump yan. Saka no cast heal nyan. Haha)
Achievements: Mahack ng worth ng BUHAY MO! Di pa kasama ang dugo't pawis na pagpapalevel sa biolabs. At paghahanap buhay bilang BLIND SUPPORT. Saklap~ :(




Kaya na nagquit na non at pinukaw ang aking pansin sa pagtatrabaho at pagBABAGONG BUHAY.
.
.
.
.
.
.
Ngunit wala ring nangyari at dumating ang isang bagay na di kanais-nais at nagbago ng aking buhay na walang BUHAY.







~
This Jason Mraz not look-a-like but voice-a-like stranger named Reymart aka Emak Astillar from the land of the living dead LaLoma Cemetery(haha katabi lang pala)start a business, computer shop beside AS IN BESIDE our house. Semi quit pa lang pala ko nun sa RO kaya excited ako sa shop.

Ayan!
Gawa na!
Open na!
Pasok si Mae!
Pa-rent po!
"Wala pa net ate.",sabi ng gwapong bantay na nagngangalang Jeff na pinsan ni Emak.
"Ahhh, cge.", walk out si Mae.

Ilang araw pa ang nagdaan at nagbakasakaling may net na. Hanggang nakita ko ang ilan sa aking mga kaibigan na nakatambay sa harap ng aming bahay na harap din ng shop, kasama nila si Emak at si Jeff. Ako ay lumapit at nagpacute este nakichikka. Yun pala ay matagal ng magkakilala ang mga mokong. Ako ay O.P for short.

As usual, usapang DOTA. Ano bang malay ko dun? Hanggang sa nagkayayaan sila magDOTA at ako ay O.P nanaman. Sweet si Kim dahil ako ay niyaya nya kahit alam nyang di ako nagdoDOTA(taenang dota). Kunwari ako ay pakipot at sinabing "Ayoko! Di ako marunong nyan."

Bumanat si poging poging Jeff, "Diba nagraRagnarok ka, parang ganun lang un."(ano bang meron sa Ragnarok na yan at kinukumpara lagi sa DOTA, samantalang napakalayo naman.)

"Turuan mo Mak.", banat ni Kim.

Pakipot ulit~
"hmmmmmmmmmm~ cge na nga."

Start na NANAMAN!

"Marunong ako magRazor.", taena pinagmayabang ko pa ung Razor na un nung lagay na un?. >.
"ibang hero naman.", muli akong bumanat, kunwari master ko na si Razor.


"Traxex na lang. Para wala ka na masyado pindutin.", nagmayabang na si Emak.

"Malakas ba un?", natatakot mapahiyang Mae.

"Oo, babae un.", emak.

"Ahh talaga, asan un?", mae.

(tinuro nya)

As usual, ang tanging gamit na alam ng utak ko gamitin Wraith band at tango.

Katabi ko si Emak. At panay ang turo nya sakin kung ano ang gagawin. Narinig ko nanaman ang mga salitang. . . . . . . ito~ Zzz!

"Hold mo lang alt para kita HP."
"Wag mo tangkihin creeps at tore."
"Lasthitin mo!"


At infairness, sa pagiging focus ko ay nakapatay ako. >:)) napakalakas pala talaga nitong Traxex na ito. Subalit napansin ko lang na wala syang leeg. Ulo, tapos boobs agad. Ako ay nagtaka sa mga panahong iyon. Ngunit di ko na ito inantala at ako ay tumutok muna sa aking malakas at nangangatay na hero.

"Ano pa bibilhin ko?", nasabi ko ata ang mga salitang ito 999x sa larong iyon.

"Power Threads, basahin mo kung pano buuhin", ani Emak.

"Ahhh. Eto nakita ko na.", pagturo ko sa cursor ay lumabas ang isang paragraph at mga kung anu-ano, di ko na ito binasa at pinindot ko na lang ang left pindutan ng mouse.

"Ayan, nabili ko na.", masayang Mae threads na.

Tinignan ni Emak ang aking LCD monitor at tumawa. Hahahaha daw. Ako ay nagtaka, at my nakitang kulay puti sa 6squares na mistulang PAPEL. Pinagtawanan nila ko lahat. Masaya sila eh. Engot na ko. Huhu

Dalawang boots daw ang bibilhin at isang gloves(naalala ko ang nimble gloves ng Gypsy ko). Isang pula at puti na medyo nangingitim na sapatos. Maduming sapatos ikanga. Ito ay tumatak na sa isip ko at nangako sa sarili na di na kakalimutan ng di na mapagtawanan. Huhu ulet

~
Matapos ang Power Threads na yan ay Dominator naman daw. Helm of Dominator. Waw! Angas ng pangalan, pangmalakas.

Pang lifesteal daw ito. Whats that? Babalik daw ang buhay mo kapag tumitira ka. Aaaah! Parang kang nagnanakaw ng HP. Ocake~

Nakakill nanaman ako. At di ko malilimutan un dahil ang lakas ko nun. Di ako nakatulog nung araw na iyon at nag isip isip, bakit walang leeg si Traxex. >.

Mula noon ay Traxex na ang hero ko lagi.

~
May net na!
Gawa daw akong GG.
Ene yen?
Online DOTA daw.
Aaaah!
Ocake~

Registration:
username: lovelycharmaine (name too long)

luxuriousmae
(ocake daw)

aun! Ok na. LuxuriousMae magpapakilala sa GG. Ehem!haha


~
Paminsan minsan ay nagGG ako. Ngunit nagRO pa rin ako kahit isang pulubeng HP na lang akong tambay sa damuhan ng Alde Baran.

Di ko talaga trip ang DOTA kahit ang lokos ko magTraxex. =)) Lumabas ang Luna Online at YON ANG PARANG RAGNAROK,HINDI YANG DOTA NA YAN AMF! Naglaro ako nun kasabay ang bantay ng shop na si Aiza. Paunahan kami magpalevel 20. Para may Angel Wings na daw. =)) at nauna ko. Bwahaha sa tulong ng isang stranger sa Luna na nagpapacute sa cute kong character, si Michael Alvarez, na kilala rin sa pangalang Des.MyStyle. Nakanang! =)) hanggang sa pinilit nya ko, as in pilit talaga na kunin ang aking email address. Ako ay nagpakipot at sinabing, "boost mo muna ko sa Golem,palevel 20 lang ako". =))

Hanggang sa nakuha na nya ang aking email address at ayun. Yun na yon.


~
Nung naglevel 25 na ko. Ako ay nagsawa sa di malamang dahilan. Ako ay nagDOTA sa GG. Ang status ko sa YM ay "DOTTAAA". At lagi kong pinagkakalat sa Facebook kapag ang lakas ng Traxex ko. Kaya nalaman ni Des na nagdodota pala ko, akala nya ay malokos ako maglaro. Naglaro kami at napagtanto nyang hindi pala. =)) Ilang beses din naulit ang mga pangyayaring iyown.

Patuloy pa rin akong naglaro sa pamamagitan ng Garena at nakalaro si cT^rObz^hyhy ganyan ba un? Ewan ko sa kanya kung bakit nya ko chinikka at nakuha rin ang email add ko. Huhu napagtanto namin na magkalapit lang pala kami ng tahanan at ayun. Naglaro ng naglaro.

2 na buddies ko sa GG. =))


~
Nang isang araw ay dumayo sila Barry kasama ang kanyang mga bataang sila Hide, Paul, si Champi ba ung kasama nyo nung unang punta nyo? At may pretty Ella pa dito samin. Pustahan.

Palag palag naman ang mga team R.papa =)) na sila Zytho at kung sinosino jan. Haha dahil alam nilang butaw lang si Barry na binubugbog lang ni Yuuki dati. Ngunit nagulat ang lahat sa ipinakitang galing ng team Barry. Ang lokos~ talo ang team r.papa.

At! May humamong team Pajo. Mga kateam pala ni Robz~

Dito na nagsimula ang kunek kunek!


~
Nawalan kami ng communication ng mahal kong unggoy nung highschool at ngayon ay bumalik sa pamamagitan ng DOTA. Mula non ay sinasali na nila ko sa mga practice game nila sa GG. Ako ay dakilang alipin na support sa hitter at AMO naming si Barry. :c at nakilala ko na sila Paul, Pher, Champi ng lubusan. Nakilala ko rin si Amatz, na malaki ang PUSO @.@, na matagal ko na pa lang kilala pero di ko na maalala. =)) si fafable Mikki Viado rin na sikat nung highschool ako ngunit nito ko lang nakilala.

Napatambay na ko ng PDR 8 o Philippines DOTA Room 8 nun. Kumbaga ang dating LuxuriousMae, ngayon ay ~xoxo|.Mae na. Weh?

Pagpasok ko ng Room8. Sikat pala ung xoxo. Zzz! Maangas kasi ung unggoy dun kaya ganun. Haha :*

Hanggang sa napapasama na ko sa mga pustahan at tournament na sinasalinan nila.

Medyo lumakas ako maglaro nung mga panahong un. Lol =))
(pag bigyan nyo na ko, kwento ko to ee)

Bonding bonding na. Laro laro. Rak rak! Kate kate!Araray! Watata! Abadai! Yan uso non.

Ngaun, ocake, raro raro. Lokos lokos. Taf3p. Laf3p. Fliptop. Kuya jobert. Yeng menge genyen. =))

Gang sa nauso na yang Map Hack, Drop Hack sa room8(gumamit din ako nun dati.haha wala thrill),saka Quitter na yan lalo nung nawala na ladder nagunaw na ang mundo at nagsilipatan sa Mineski Infinity Room.

Kanya kanyang team na rin, may xoxo,bigEYES este bigC, BG. Ako na lang ang natitirang xoxo. :(



~
Hanggang sa nakilala ko ang HappyFeet Chickx :* dahil kay pretty HfChix-Kathleen na nameet ko sa @rena. Ako ay HfChix na pala. =))

Ngunit di ko pa rin iniwan ang mahal kong XoXo dahil malaki utang na loob ko sa mga kagaguhan ng mga yon. :))

May HappyFeet, Mineski, PMSki, THEOS,  etc na mga friendships ko na NGA BA?. =))

Lumawak na ang mundo ng dating simpleng engot na mundo ng DOTA na kinaiinisan ko noon.

Madami nakilala,makilala pa, naging kaibigan, magiging kaibigan, nakaaway, makakaaway at marami pang iba.

I never thought about going this far(kahit di pa naman ganun kalayo nararating ko). I just didnt expect much on this game unlike sa RO.

Dati, I just play DOTA to blew my curiosity away. Pero ngayon IT isn't just a game, ITS a passion na nga daw sabi nila, but lemme add;

It isnt just a passion, its also a page of my life's story that can never be erased. :)





Ahahaha~ Sana nabaliw kayo sa pagbasa ng kalokohan ko. :) 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento